Pinayuhan ng Malacañang ang publiko na iwasan munang bumiyahe sa Hong Kong dahil sa mga kaguluhan doon bunsod ng mga kilos-protesta.
Ayon sa Palasyo, hindi ito tamang pagkakataon para bumisita doon.
Ang mga malawakang demonstrasyon ay nagdudulot na ng karahasan at kaguluhan kung saan marami ang nasasaktan at naaaresto.
Maraming flights ang nakakansela dahil sa patuloy na protesta. Nagmula ang mga protesta sa pagtutol sa isang panukalang batas pero ngayo’y naging mga panawagan na para sa demokrasya sa Hong Kong na sakop ng China.
Tinututulan ng mga raliyista ang sinuspinde nang panukala na magpapahintulot sa extradition bill sa mainland China ng mga may kinakaharap na criminal charges.