Pinakamatinding init na mararanasan tapos na -PAGASA

by Radyo La Verdad | May 8, 2024 (Wednesday) | 9753

METRO MANILA – Inihayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tapos na ang pinakamatinding init na posibleng maranasan sa bansa.

Ito ay dahil nagsisimula nang maranasan ang localized thunderstorms sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Sa isang panayam sinabi ng PAGASA, na maaaring naitala na ang pinakamainit na temperatura sa bansa noong April 27, kung saan pumalo sa 40.3 degrees celsius na actual temperature ang
naranasan sa Tarlac.

Gayunman sinabi ng state weather bureau na maaari pa ring makaranas ng mataas na heat index ang ilang mga lugar na pwedeng umabot sa 45 hanggang 48 degrees celsius.

Samantala base sa forecast ng PAGASA, maaring magsimula ang La niña sa bansa pagsapit ng buwan ng Hunyo hanggang Agosto.



Tags: ,