Nagtala ng pinakamataas na satisfaction rating ng pamahalaang Aquino base sa latest result ng Social Weather Stations o SWS Survey ng 3rd quarter ng 2015.
Base sa survey, umakyat sa pinakamataas na rating na 59 % ang kuntento sa pamamahala ng administrasyong Aquino mula sa 55% lamang noong hunyo, 22 % ang hindi kuntento habang 18% nmn ang undecided.
Dahil dito nakakuha ang administrasyong Aquino ng net satisfaction rating na positive 37 mula sa positive 31 lamang noong 2nd quarter ng 2015.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, ang naturang resulta ay patunay lamang na nagbubunga ang mga nagawang reporma ng administrasyong Aquino pagdating sa serbisyo at integridad.
Umaasa ngayon ang malakanyang na pipiliin ng taumbayan ang mga kandidatong magpapatuloy ng daang matuwid sa 2016 National elections.
Isinagawa ang survey mula Sept 2 hanggang 5 sa 1200 respondents.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)
Tags: Administrasyong Aquino, Satisfaction Rating, SWS survey
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com