Pilipinas, palalakasin ang ugnayan sa mga bansang may OFWs – PBBM

by Radyo La Verdad | June 12, 2023 (Monday) | 3486

METRO MANILA – Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang kabayanihan at sakripisyo ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) bilang paggunita ng migrant workers day nitong June 8.

Ayon kay Pangulong Marcos,  dahil sa kontribusyon ng mga OFW naging maayos ang buhay ng hindi mabilang na mga indibidwal at lipunan dahil sa kanilang mga propesyon at kapasidad.

Nakinabang rin aniya dito ang ekonomiya ng Pilipinas.

Kaya naman ayon kay PBBM, patuloy na palalakasin ng Pilipinas ang ugnayan nito sa ibang mga bansa upang matiyak na napapangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino.

Tags: ,