Pilipinas, naghigpit sa testing at quarantine protocols sa arriving Int’l passengers

by Radyo La Verdad | December 3, 2021 (Friday) | 4024

METRO MANILA – Epektibo ngayong araw (December 3), magpapatupad ng bagong testing at quarantine protocols ang Pilipinas sa mga dumadating na international passengers sa bansa galing sa mga bansa, teritoryo at hurisdiksyon na hindi kabilang sa red list.

Sa fully vaccinated travellers, dapat may negative RT-PCR test na kinuha araw bago arrival sa Pilipinas.

Sasailalim sila sa facility-based quarantine at RT-PCR test sa ika-5 araw mula day 1 ng arrival.

Kahit negative ang result, kailangan nilang mag-home quarantine hanggang sa ika-14 na araw mula date of arrival.

Sa mga di naman bakunado, partially vaccinated o di ma-validate ang vaccination status, dapat may negative RT-PCR test din na kinuha 3 araw bago ang departure sa country of origin.

Pagdating sa Pilipinas, sasailalim sila sa facility-based quarantine at muling kukuha ng RT-PCR tet sa ika-7 araw mula day of arrival.

Kahit negative ang resulta, kailangan din nilang kumpetuhin ang 14-day quarantine sa bahay.

Ang mga Pilipino namang galing sa red list countries o jurisdictions at kabilang sa government-initiated o non-government repatriations at bayanihan flights, pahihintulutan lamang silang mag-deplane sa Ninoy Aquino International Airport o Clark International Airport.

Kailangan din nilang sumailalim sa testing at quarantine protocols.

Samantala, sasailalim na simula ngayong araw (December 3) hanggang sa December 15 ang probinsya ng Apayao sa Alert Level 2.

Ito ay matapos amyendahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang metrics sa alert level classification ng mga lugar.

Sa ilalim ng alert level 2, papayagan ang 50% indoor capacity at 70% outdoor capacity sa mga pinahihintulutang establisyemento at aktibidad.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: