METRO MANILA – Muling napagkaisahang makaupo ang Pilipinas sa International Telecommunications Union (ITU) Council kasama ang 48 na kasaping states mula 2023 hanggang 2026. Ito ay binubuo ng 193 na kasapi.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Ivan John Uy, makakatulong ito upang mapamunuan ng DICT ang paglahok sa mga usapin at pagpapasya.
Dagdag pa niya na nangangailangan ng buong suporta at pakikilahok ng lahat ng departamento ng pamahalaan at kongreso upang makamit ang mithiin.
Kabilang ang Pilipinas sa 13 states na pinili mula Asia at Australia upang makaupo sa council, kasama ang Australia, Bahrain, China, India, Indonesia, Japan, South Korea, Kuwait, Malaysia, Saudi Arabia, Thailand, at United Arab Emirates.
(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)
Tags: DICT