METRO MANILA – Kinakailangan na ng pamahalaan na mag-angkat ng bigas, ayon kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior.
Ito ay sa gitna ng nakaambang epekto ng El niño at pinsala ng bagyong Egay sa mga agricultural product.
Sa kabila ng planong importasyon, nangangamba ang pangulo na posibleng tumaas pa rin ang presyo ng bigas dahil lahat ng mga bansa sa South East Asia ay naghahanda para sa El niño.
Ayon sa PAGASA inaasahang mararamdaman ang epekto ng El niño simula sa Oktubre hanggang sa 2024.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council as of July 30, 2023, umabot na sa 54,000 na ektarya ng palayan ang nasira dahil sa bagyong Egay at habagat.
“Ang hirap nito kasi yung palay, iniisip ko na yung supply natin ‘pag nag-El niño talaga. Mag-i-import na naman tayo. I’m thinking about the national supply for rice, because, ini-import lahat ng Indonesia, nagsara ang Vietnam, India, nagsara, pero I think I can make a deal with India, baka meron tayong mapakiusapan doon. But we have to start importing already.” ani Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.