Pilipinas, ika-12 sa mga bansa sa Asia-Pacific na may pinakamataas na kaso ng modern day slavery

by Radyo La Verdad | December 7, 2018 (Friday) | 7247

13 menor de edad, kabilang na ang 2 buwang sanggol ang ilan sa mga narescue ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at U.S. Homeland Security Investigators and Immigration at Customs Enforcement, Marso noong nakaraang taon.

Ang mga biktima, mismong anak, kaanak ng umano’y 2 child trafficker kung saan ginagamit ang mga ito sa child pornography.

Ang kasong ito ay isa lamang sa higit 700 libong nabiktima ng human trafficking batay sa 2018 Global Slavery Index. Ang Pilipinas, pang labindalawa na sa may pinakamataas na kaso ng modern day slavery sa Asya-Pasipiko.

Batay sa ulat, sa 40 milyong tao na biktima ng human trafficking sa buong mundo,  73 porsyento ang napupunta sa forced sexual exploitation, 68 porsyento ang napupunta sa forced labor ng mga nasa kapangyarihan, 64 porsyento naman ang biktima ng labor exploitation at 42 porsyento ang biktima ng forced marriages.

Isa naman sa mga ipinagmamalaking tagumpay ng Department of Justice (DOJ) upang labanan ang modern day slavery ay nang maaresto ang isang 9 na taong gulang na batang Pilipina mula sa isang French pedophile na nagpapakalat ng malalaswang larawan nito online.

Nanawagan naman si Guevarra sa international community na magkaisa upang protektahan ang mga mahihirap na pangunahing biktima ng human trafficking.

 

( Mai Bermudez/ UNTV Correspondent )

Tags: , ,