METRO MANILA – Iaapela ng pamahalaan ng Pilipinas ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na muling ituloy ang imbestigasyon sa war on drus ng nagdaang administrasyon.
Sa 5 pahinang notice na ifinile ngayong Pebrero, sa pangunguna ni Solicitor General Menardo Guevarra, ipinahayag ng pamahalaan ng Pilipinas sa ICC appeals chamber ang pagnanais na i-apela ang ruling.
Muli namang iginiit ng abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Harry Roque na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas at tanging sa domestic courts lamang nito haharapin ang anomang kasong isasampa laban sa kanya.
Tags: ICC, war on drugs