Pilipinas, di maaaring tumulad sa ibang bansa na agad buksan ang ekonomiya sa gitna ng COVID-19 pandemic- Pres. Duterte

by Erika Endraca | July 8, 2020 (Wednesday) | 8836

METRO MANILA – Hindi kakayanin ng Pilipinas ang lubhang paglobo ng kaso ng Coronavirus Disease ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya unti-unti lang ang ginagawang pagbubukas ng ating ekonomiya hindi katulad ng Estados Unidos at iba pang malalaking bansa.

Ginawa ng punong ehekutibo ang pahayag sa kaniyang public address kagabi (July 7) sa Davao City.

“Tayo hong pobre we cannot afford really a total epidemic or pandemonium. Mahirap tayo hindi tayo puwedeng sumugal. and so we have to be very circumspect in reopening of the economy. Dahan-dahan lang. because if you open the entire Philippines and thousands upon thousands of new cases would happen, then we are in deep s***. Talagang mahirapan tayo.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala rin ang Pangulo na nasa first wave pa lang tayo ng COVID-19 infections.

“Now we do not even know if the number of 34, 178 of active cases is still a part of the first wave or have we arrived at the second wave. I don’t think so. We are still grappling with the first wave.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa nito, matindi ang epekto sa ekonomiya at kalusugan ng coronavirus subalit di lang naman ang pilipinas ang apektado nito kundi maging ang mayayamang bansa.

Samantala, kasunod ng mga petisyon na inihain ng iba’t ibang grupo sa korte suprema upang kwestyunin ang constitutionality ng anti-terrorism law, ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang batas sa kaniyang public address sa Davao City Kagabi (July 7).

Aniya, walang dapat ipangamba sa naturang batas ang sinumang law-abiding citizen.

Dagdag pa nito, kinakailangan ng pangil ng batas upang tuluyang masugpo ang terorismo sa bansa.

Bukod dito, muli namang tinuligsa at nagbabala ang punong ehekutibo laban kay online news Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa.

“Si Ressa is a fraud, maniwala kayo. Give us this time, too early for you to enjoy yung award mo, you are a fraud.we are just compiling at this stage and someday in bold letters we will show your incongruity, you are a fraud.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,