Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakapili na ang Philippine Airforce Technical Working Group ng irerekomendang bilhin na mga helicopter.
Matatandaang kinansela ng Pilipinas ang kasunduang pagbili nito ng 16 na bell 412 helicopters sa Canada matapos na magpahayag ng pagkabahala na gamitin ito sa paglaban sa mga rebeldeng komunista.
Target na i-procure ng pamahalaan ang 16 na US Made Lockheed Martin’s Sikorsky Black Hawk sa halagang 240 milyong US dollars.
Ayon sa opisyal, hindi na kinukunsidera ng pamahalaang bumili ng helicopter sa Russia dahil sa US sanctions.
Inaasahan namang magkakaroon ng pirmahan para sa kasunduan sa pagbili ng 16 na Black Hawks sa susunod na taon.
Iginiit naman ng opisyal na hindi attack helicopter ang Black Hawk bagkus gagamitin sa pagta-transport ng mga suplay.
Bukod dito, target din ng pamahalaan na bumili ng T129 ATAK sa Turkish Aerospace Industries para sa attack helicopter project.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: helicopter, Pilipinas, US