Walang namo-monitor na ano mang pagbabanta ang Philippine National Police para sa APEC Summit sa susunod na linggo.
Subalit ayon kay PNP Chief P/Dir.Gen. Ricardo Marquez, nasa mataas na level na ang kanilang paghahanda at sa katunayan nagkaroon na sila ng 36 na meeting para sa seguridad ng 21 head of states na magtutungo sa bansa.
Nakausap na rin aniya nya ang pangulo at isa sa instructions nito ay ang zero crime incident sa panahon ng APEC Summit.
Kaya naman sinabi ng heneral na itataas na nya sa full alert status ang buong hanay ng PNP sa Metro Manila sa susunod na linggo.
Ang mga anti terrorism equipment ayon kay Chief PNP ay ipu-pwesto sa mga lugar kung saan mamamalagi ang mga head of states.
Pagkatapos naman ng APEC Summit, sinabi ng heneral na ipamamahagi naman ang mga equipment sa National Capital Region, Special Action Force at sa Mindanao partikular sa General Santos city.
Dagdag ni McDonough, malaking tulong ang tatlong robot sa pagpasok sa isang lugar na may hinihinalang bomba upang hindi mameligro ang buhay ng mga pulis.
Ang anti terrorism equipment ay ang ikalawang bugso na ng donasyon ng Amerika sa Philippine National Police.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)