Philippine embassy sa London i-aadopt ang automated election system modified postal voting para sa darating na halalan 2016

by Radyo La Verdad | March 31, 2016 (Thursday) | 1561

DUBLIN
Kung noong mga nakaraang eleksyon ay postal voting lamang ang paraan ng pagboto ng ating mga kababayan sa UK, ngayon ay maaari nang makaboto ang mga botante sa pamamagitan ng personal voting.

Ito ay alinsunod sa panukala ng Commission on Elections na i-adopt ng embahada ang automated election system modified postal voting.

Masusing tinitiyak ng embahada ng Pilipinas ang paghahanda upang mahikayat ang mga rehistradong botante na bumoto sa darating na Philippine National Elections

Mula Abril 9 hanggang Mayo 9 isasagawa ang Overseas Absentee Voting sa embahada ng Pilipinas sa London, United Kingdom.

Sa personal voting, ang mga botante ay maaaring magtungo sa mga bubuksang voting precinct sa Philippine embassy sa London mula April 9 hanggang May 9.

Magkakaroon din ng field voting sa Dublin, Ireland kasabay ng consular outreach mission na isasagawa ng embahada sa April 16 at 17, 2016.

Kung hindi naman makakapunta ng personal ang mga botante sa UK, Ireland at Greenland, maaari pa rin silang makaboto sa pamamagitan ng postal voting.

Sa paraang ito, kukunin lang mismo ng isang botante ang kaniyang mailing packet sa embassy o kaya naman ay magrequest sa Philippine embassy sa pamamagitan ng courier, text, o email bago dumating ang Abril 22 upang maipadala ang balota sa kanilang mga tirahan.

Aabot sa mahigit 24,000 na registered voters ang nakatalang bumoto sa United Kingdom, lima naman sa Greenland, at mahigit dalawang libo sa Ireland.

(Al del Rosario/UNTV NEWS)

Tags: ,