Philippine Coast Guard, nagpaalala sa mga biyahero na huwag sumakay sa mga colorum na barko

by Radyo La Verdad | March 21, 2016 (Monday) | 8735

pcg
Nagpaalala ang Philippine Coast Guard sa mga bibiyahe patungong probinsya ngayong long holiday na huwag sumakay sa mga colorum na barko.

Ayon sa pcg, hindi ligtas na sumakay sa mga colorum na barko dahil wala itong mga kaukulang dokumento na nagpapa-tunay na sumusunod ito sa safety standards na itinakda ng Maritime Industry Authority at hindi ito nakarehistro.

Mahigpit na binabantayan ng pcg ang mga bumabyaheng barko lalo na ang mga colorum para sa kaligtasan ng publiko.

Sa ngayon ay nakaalerto ang pcg sa ibat ibang pier o daungan sa bansa dahil sa pagdagsa ng mga pasahero.

(Ara Mae Dungo / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,