Philippine Coast Guard magsasagawa ng massive recruitment sa susunod na taon para sa mga bagong barko

by Radyo La Verdad | December 29, 2015 (Tuesday) | 2920

pcg
Magdaragdag ng kanilang kawani ang Philippine Coast Guard upang mapunan ang kanilang tatlong bagong sasakyang pandagat mula Japan at apat na 24-meter vessels mula sa France na nakatakdang dumating bago ang Hunyo 2016.

Ayon kay Acting Commandant ng PCG, Rear Admiral William Melad, aprubado na ito ng Department of Budget and Management at ito ay kabilang sa budget ng ahensya sa susunod na taon.

Aabot sa siyam na raang personnel ang kukunin ng PCG dahil sa kulang pa rin ang kanilang ahensya para bantayan ang 36,289 kilometers na dalampasigan ng bansa.

Sa ngayon ay may nakatalagang tatlo hanggang apat na personnel sa bawat PCG substation.

Aniya ang ideal ay isang guwardiya per kilometer ng coastline ang dapat subalit hindi ito nasusunod dahil sa kulang na mga tauhan.

(Ara Mae Dungo / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , , ,