Philhealth, magbibigay ng P50-100k health packages sakaling magkaroon ng kaso ng MersCov sa bansa

by Radyo La Verdad | June 18, 2015 (Thursday) | 1534

ATTY ALEX PADILLA
Dumadami ang kaso ng Mers-Cov sa South Korea.

Mahigit 20 na rin ang namamatay mag-iisang buwan simula ng makapasok ang virus doon.

Sa Pilipinas, pinangangambahan din ang posibilidad na makapasok ang nakamamatay na sakit.

Ayon sa Philhealth, patakaran nito ang agarang magpalabas ng available na health packages sakaling magkaroon ng kaso ng Mers-Cov sa bansa.

Nakalaan ito para sa mga Philhealth member-health care workers man o hindi.

Ayon sa Presidente at CEO ng Philhealth na si Atty. Alex Padilla, nagkakahalaga ang health package ng 50 libong piso para sa non-health worker samantalang isang daang libong piso naman para sa health workers.

Mas malaki ang halagang nakalaan para sa mga health worker dahil sila ang direktang maaapektuhan sakaling makapasok ang pinangangambahang MersCov sa bansa.

Tags: , ,