PH, Japan nagkasundo na palakasin ang defense at security relations

by Radyo La Verdad | February 10, 2023 (Friday) | 7328

METRO MANILA – Nagkasundo ang Pilipinas at Japan na mas palakasin pa ang relasyon sa pagdating sa defense at security.

Ito ay matapos malagdaan ang 7 bilateral agreements ng 2 bansa kahapon (February 9).

Sa joint statement nina Pangulong Ferdinand Marcos Junior at Japanese Prime Minister Fumio Kishida, nagkasundo ang 2 lider na palakasin ang defense capabilites at security cooperation ng Pilipinas at Japan.

Ito ay sa pamamagitan ng reciprocal port calls, aircraft visits, transfer ng defense equipment at technology.

Kaugnay pa rin sa nalagdaang bilateral deals, magbibigay ang Japan ng ¥600B o nasa $4.5B.

Ito ay sa pamamagitan ng ilang proyekto kasama na ang railway development sa bansa.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,