PH inflation rate, bumagal sa 4.1% noong November

by Radyo La Verdad | December 6, 2023 (Wednesday) | 11231

METRO MANILA – Bumagal sa 4.1% ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong Nobyembre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), kahit na mataas ang presyo ng bigas, iniuugnay ang pagbagal ng inflation rate sa pagbaba ng presyo ng food at non alcoholic beverages, tulad na lamang ng gulay.

Dagdag pa ng PSA, ang pagbaba rin ng halaga ng produktong petrolyo ay nag-ambag rin kaya bumagal ang inflation.

Pagtitiyak ni National Economic and Development Authority (NEDA) Director General at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, patuloy na imo-monitor ng pamahalaan ang bilis ng antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin gayundin ang halaga ng mga serbisyo sa gitna ng banta ng geopolitical tensions at pabago-bagong klima o climate change na nagdudulot ng kawalan ng katiyakan sa maaaring maging epekto nito sa galaw ng presyo ng mga bilihin.

Naniniwala ang NEDA na epektibong mapapangasiwaan ng pamahalaan ang inflation at maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa pamamagitan na rin ng tama at napapanahong pagpapatupad ng trade policy.

Tags: , , ,