METRO MANILA – Umabot na sa P13.75-T ang outstanding debt ng pamahalaan ng Pilipinas noong Pebrero ayon sa Bureau of Treasury.
Mas mataas ito ng 0.4% sa naitala noong Enero ngayong taon.
Sa kabuoang halaga, 31.3% o P4.31-T dito ay inutang sa labas habang 68.7% o P9.44-T ang domestic borrowings.
Ayon sa Bureau of Treasury, ang bahagyang pagbaba ng external debt o panlabas na utang ng Pilipinas ay dahil sa net repayment of foreign loans at impact ng third-currency adjustments kontra dolyar.
Tags: Bureau of Treasury, Debt, Economy, PH
METRO MANILA – Nagbigay ng sagot ang China sa pahayag na sinadya nito ang agresibong aksyon ng China Coast Guard laban sa tropa ng Pilipinas na nagsagawa ng rore misyon sa Ayungin Shoal noong June 17.
Ayon kay China Ministry of Foreign Affairs Spokesperson Mao Ning, nilinaw na ng China ang nangyari at ang posisyon nito sa umano’y ilegal na pagpasok ng mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal na tinatawag nilang Ren’ai Jiao, at iginiit na teritoryo ito ng China.
Sinabi rin ni Mao na dapat itigil na ng Pilipinas ang umano’y probokasyon at paglabag nito sa soberanya ng China,
Isaayos ang maritime differences sa pagitan ng 2 bansa sa pamamagitan ng negosasyon at konsultasyon, at magtulungan para sa pagtsataguyod ng kapayapaan sa South China Sea.
METRO MANILA – Bahagyang bumilis sa 3.9% ang naitalang inflation rate sa bansa para sa buwan ng Mayo ngayong taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bahagyang mas mataas ito kumpara sa 3.8% na naitala noong Abril.
Gayunman ito na ang pinakamabilis na inflation rate na naitala ng PSA ngayong 2024.
Pero mas mababa pa rin ito kung ikukumpara sa 6.1% na record noong may 2023.
Paliwanag ng PSA, ilan sa mga factors na naka-ambag sa pagbilis ng inflation ay ang mabilis na pagtaas ng presyo ng housing, tubig at kuryente.
Gayundin ang presyo ng mga produktong petrolyo at transportasyon.
Sa isang pahayag sinabi naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang naitalang inflation rate ay pasok pa rin sa kanilang forecast ranger na 3.7% hanggang 4.5%.
METRO MANILA – Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior malapit sa aksyon ng giyera at red line nang maituturing kung masasawi ang 1 Pilipino dahil sa anomang insidente o aksyon ng China Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang sagot ni pbbm nang tanungin sa isyu sa ginanap na 21st International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangrila Dialogue sa Singapore nitong Biyernes (May 31).
Naniniwala ang pangulo na susuportahan ng treaty partners ang Pilipinas sa ganitong tumitinding sitwasyon sa WPS.
Iginiit din ng punong ehekutibo na gagawin ng Pilipinas ang lahat upang protektahan ang soberanya ng bansa kasabay ang commitment sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagtugon sa mga isyu sa pamamagitan ng dayalogo at diplomasya.