Petitioners sa DQ cases vs BBM, hiniling na baliktarin ang desisyon ng COMELEC first division

by Radyo La Verdad | February 16, 2022 (Wednesday) | 3472

Naghain ng motion for reconsideration ang petitioners na AKBAYAN at ang kampo ni Bonifacio Ilagan  sa COMELEC en banc kahapon, (Feb. 15, 2022), kaugnay ito sa dinismiss na disqualification cases laban kay presidential candidate Ferdinand Marcos, Jr.

Nais nilang baliktarin ng COMELEC en banc ang desisyon ng first division na sinulat ni Commissioner Aimee Ferolino.

Iginiit pa rin ng mga petitioner ang hatol kay Marcos, Jr. sa isang krimeng may kinalaman sa moral turpitude dahil sa hindi paghahain ng income tax return.

Dagdag pa ng mga ito, bagamat hindi binanggit sa ruling ng Court of Appeals, na si Marcos ay perpetually disqualified sa anumang government position at pagtakbo sa halalan.

Pinatawan itong  makulong ng Quezon City RTC, at ang paglabag sa tax code ay may ground para tuluyang pagkadiswalipika sa pagtakbo o paghawak ng anomang posisyon sa gobyerno.

Samantala, kinwestiyon din ng akbayan kung tama ba resolusyon first division dahil dalawa lang umano ang nakaupo at bumotong commissioner kaso ni Marcos sa halip na tatlo.

Hindi na nakasama ang boto ni dating Commissioner Rowena Guanzon dahil nagretiro na ito bago pa mailabas ang resolusyon.

“Kung ito ba ay valid yunng naging decision kasi di ba according to the internal rules of the COMELEC dapat ang isang division ay constituted ng tatlong commissioners at tandaan nating noong nilabas nila ang desisyon dalawang commissioner lamang ang nakaupo at nag participate doon sa process na ito,” ayon kay Percival Cendaña, Akbayan

Kaugnay nito, hiniling ng Akbayan kay Commissioner Aimee Ferolino na mag-inhibit o huwag  na sumama sa pagtalakay at pagboto sa mga kaso ni Marcos.

Duda na ang grupo sa kredibilidad at integridad ni Ferolino bunsod ng mga inihayag ni retired Commissioner Guanzon na may makapangyaring politiko o sendor na nakikialam umano sa kaso ni Marcos.

Una nang naghain ng motion for reconsideration ang isa pang petitioner sa DQ cases ni BBM na si NCMF Commissioner Bubakar Mangelen.

Samantala, ayon naman kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos,  malinaw sa unanimous decision ng first division na ang mga petitioner ang nagsinungaling.

Pakiusap nila, igalang ating judcial at quasi-judicial bodies tulad ng COMELEC at tigilan ang pang aabuso sa mga hukuman sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso.

Dante Amento | UNTV  News

Tags: , , ,