Dumulog sa Korte Suprema ang Makabayan bloc upang tutulan ang pagpapatalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto.
Ayon sa kanila, walang ibang paraan sa ilalim ng konstitusyon upang matanggal si Sereno kundi sa pamamagitan ng impeachment.
Naghain din ng hiwalay na intervention suit ang grupo ng mga concerned citizen upang tutulan ang quo warranto petition ng Solicitor General.
Malinaw anila na mali ang nais mangyari ng SolGen na tanggalin si Sereno ng mismong mga kapwa mahistrado nito. Bukod dito, may masama rin anilang epekto kapag kinatigan ito ng Korte Suprema.
Ngayon umaga, magsasampa rin ng hiwalay na petisyon ang Integrated Bar of the Philippines upang tutulan ang pagpapatalsik kay Sereno.
( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )
Tags: CJ Sereno, Makabayan bloc, SolGen