Petisyon ng Rappler reporters para makapag-cover sa Malacañang hindi pa matatalakay – CJ Bersamin

by Radyo La Verdad | April 12, 2019 (Friday) | 13004
Image courtesy of Rappler/Twitter

MANILA, Philippines – Hindi pa agad matatalakay ng Korte Suprema ang petisyon ng mga reporter ng Rappler para muling makapag cover uli sa Malacañang.

Ayon kay Chief Justice Lucas Bersamin, sa susunod na buwan o sa May 3 pa muling magdadaos ng en banc session ang mga mahistrado ng Korte Suprema.

Kahapon umapela ang ilang Rappler reporters sa SC para tapusin na ang pagbabawal sa kanila na makapasok sa Malacañang at sa mga event ng Pangulo.

Ayon sa Rappler ang pagpigil sa kanila ay paglabag  sa kalayaan sa pamamahayag.

“No. I don’t think so because the en banc is no longer going to meet until May 3. Iyong pag-akyat namin sa Baguio natapos na namin iyong mga naka schedule na kaso namin sa en banc, but mahirap lamang na ipagpatuloy namin sa Abril ng holy week at pagbibigyan namin ang mga miyembro ng Supreme Court na magnilay,” ani Chief Justice Lucas Bersamin.

Tags: , , ,