Peace talks ng pamahalaan at NDFP, maaari pang masagip – NDFP Legal Counsel

by Radyo La Verdad | July 24, 2017 (Monday) | 3447


Hindi pa lubusang nawawalan ng pag-asa ang National Democratic Front sa pakikipag-usap sa pamahalaan.

Ayon sa Legal Consultant ng NDF Peace Panel na si Atty. Edre Olalia, nanghihinayang sila sa pagbagsak ng negosasyon.

Pero maisasalba pa aniya ito kung babalansehin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pakikinggan.

Malinaw aniya na sa ngayon, panig ng mga militarista sa gabinete ang pinakikinggan ni Pangulong Duterte.

Halimbawa dito ang sinasabing insidente ng pamamaril sa convoy ng PSG sa Arakan, North Cotabato na naging sanhi ng pagkansela sa backchannel negotiations.

Kailangan aniyang makita ng pangulo na mas malaki ang mawawala kung magpapatuloy ang armadong labanan.

Hindi rin ibig sabihin nito ay dapat nang lubusang ihinto ang pag-uusap.

Pero sa ngayon, ganito nila mailalarawan ang isang taon aa pwesto ng pangulo.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,