PDRRMC, patuloy na naka-monitor sa mga lugar na madaling bahain sa Pampanga

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 1964

PAMPANGA
Naramdaman sa ilang lalawigan sa Central Luzon ang pag-ulan dulot ng bagyong nona.

Sa Pampanga, mahigpit na minomonitor ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga lugar na madaling bahain

Tulad ng bayan ng Candaba, San Simon, Arayat, Macabebe, Sto. Tomas at bayan ng Candating

Ito ay upang agad na marespondehan ang mga residenteng mangangailangan ng tulong

Dahil sa sama ng panahon ay nag-kansela na rin ng klase ang ilang syudad sa lalawigan.

Walang pasok ang mga estudyante sa pre-school hanggang elementary level sa Mabalacat City at San Fernando City.

Sa Bataan naman, suspendido din ang klase ng mga estudyante sa preschool.

Nagbabala rin ang Bataan Local Government sa mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil sa malalaking alon sa dagat

Kabilang sa mga apektado ng gale warning ay ang mga mangingisda sa bayan ng Orani, Abucay, Limay, Orion, Mariveles at syudad ng Balanga

(Joshua Antonio/UNTV News)

Tags: ,