METRO MANILA – Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Junior na kayang solusyunan ng Department of Agriculture (DA) ang kinakaharap na problema sa suplay ng pagkain at pagtaas ng presyo nito. Inihayag ito ng pangulo sa kaniyang pagdalo sa ginanap na 125th founding anniversary ng DA.
Ayon kay Pangulong Marcos, masosolusyunan ng kaniyang administrasyon ang mga nabanggit na suliranin sa pagpapataas ng produksyon ng Agri products.
Maisasagawa ang mga ito sa pamamagitan ng mga isinusulong na programa ng pamahalaan tulad ng mechanization program para sa mga maliliit na magsasaka.
Dagdag ng pangulo, bilang kalihim ng DA ay papalakasin din niya ang kampanya laban sa smuggling at hoarding sa bansa.
Tags: Agri Products, DA, PBBM