PBBM, tiniyak na ilalapit ang pabahay ng pamahalaan sa mga paaralan, trabaho at mga pamilihan

by Radyo La Verdad | December 22, 2022 (Thursday) | 3136

METRO MANILA – Karaniwang problema o reklamo ng mga pamilyang benepisyaryo ng murang pabahay ng pamahalaan ang malayo sa pinagtatrabahuhan, eskwelehan o pamilihan.

Kaya naman ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior, hinidi lamang simpleng pabahay ang gagawin ng kaniyang administrasyon.

Titiyakin rin ng pamahalaan na ang lugar ng human settlements ay malapit sa trabaho, eskwelahan at pamilihan.

Ayon kay PBBM, hindi na dapat maulit ang mga problema sa nakaraang mga pabahay ng gobyerno para sa mga mahihirap na pamilya.

Para kay Pangulong Marcos Junior malaking tulong na sa ating mga kababayan kung maaabot ang target ng pamahalaan na 1 milyong pabahay kada taon.

Sa kabuuan aabot sa 6 na milyong housing units ang target na maitayo ng Marcos administration sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,