PBBM, tiniyak na gagawin ang lahat upang mapaunlad ang rice industry

by Radyo La Verdad | October 18, 2023 (Wednesday) | 1506

METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior bilang kalihim rin ng Department of Agriculture (DA) na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang mapaunlad ang industriya ng bigas.

Ito ang binigyang diin ng pangulo sa kaniyang pagdalo sa 6th International Congress. Ayon sa pangulo, hahabulin ng pamahalaan ang mga mapagsamantalang smuggler at hoarder ng bigas.

Ipinirisinta naman ng International Rice Research Institute ang bagong variety ng bigas na may mababang glycemic index. Ang uri ng bigas na ito ay makatutulong upang mabawasan ang kaso ng diabetes .

Samantala, kinilala naman ng pangulo ang papel ng mga kooperatiba sa food security ng bansa. Sa National Cooperative Day celebration sa Malacanang, nanawagan ang pangulo para sa consolidation ng farmers cooperatives at asosasyon para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura.

(Nel Maribojoc | UNTV News)


Tags: