METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior ang tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at kanilang mga pamilya.
Sa latest vlog ng pangulo, kinilala nito ang sakripisyo ng mga Pilipinong nakikipagsapalaran sa ibang bansa.
“Ang tanging maisusukli ko sa inyong hindi matatawarang kontribusyon sa ating lipunan ay masiguro ko ang inyong proteksyon ang inyong kalagayan at ang mga kalagayan ng inyong naiwan pamilya sa ating bansa.” ani Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa pangulo kabilang sa mga tinututukan ng pamahalaan ay ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas sa ibang mga bansa na kinaroroonan ng mga OFW.
Sa mga Pilipino namang nais bumalik ng bansa at naghahanap ng bagong trabaho, sinabi ng pangulo na mayroong mga training na nag-aabang para sa kanila upang gawing silang handa na makipagkumpetensya sa labor market sa buong mundo.
“Tutulungan natin sila sa training yung tinatawag na re-skilling at upskilling dahil yung ibang trabaho na lumalabas ngayon na highly technical ite-training natin ang ating mga ofw” ani Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.