PBBM, Pres. Xi, nagkasundo sa pagpapalakas sa agriculture, energy, infrastructure

by Radyo La Verdad | November 18, 2022 (Friday) | 5858

METRO MANILA – Partikular na napagkasunduan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at chinese President Xi Jinping ang pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at China pagdating sa agrikultura, enerhiya at imprastraktura.

Ito ang kauna-unang pagkakataon na nakaharap ni PBBM ang Chinese President. Ayon sa pangulo, tungkol sa planong state visit niya at ilang regional issues ang kanilang natalakay.

Wala pang inilabas na detalye kung natalakay dito ang isyu sa West Philippine Sea. Kasama sa blateral meeting sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay PBBM, nasurpresa si President Xi sa pagdalo ng dating pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Representative Macapagal-Arroyo sa bilateral meeting.

Kagabi (November 17) naman, kasama nina Pangulong Marcos at First Lady Louise Araneta Marcos ang ibang APEC leaders sa gala dinner sa royal thai navy conference hall hosted ni Thailand Prime Minister Prayut Chan-O-Cha.

Samantala, ngayong umaga (November 18) naman magaganap ang 29th APEC- Economic Leaders meeting at iba pang leaders dialogue.

May 2 bilateral meeting naman na naka-schedule si Pangulong Marcos Jr ngayong araw (November 18) ito ay sa bansang France at Saudi Arabia

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: