METRO MANILA – Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa Department of Education (DepEd) ang kalidad ng pagtuturo sa mga estudyante sa bansa.
Layon nitong maiangat ang performance ng mga mag-aaral at ma-improve ang posisyon ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA).
Ayon sa DepEd mahalaga ang resulta ng PISA, dahil tinetest nito ang kaalaman at kakayahan o skills ng isang estudyante at kung kaya niya itong gamitin sa totoong buhay.
Napapanahon na rin aniya ang implementasyon ng Matatag curriculum na inaasahang makatutulong upang maingat ang kalidad ng edukasyon ng Pilipinas.