PBBM, pinatitingnan ang arawang sahod ng mga manggagawa

by Radyo La Verdad | May 2, 2024 (Thursday) | 1630

METRO MANILA – Pinare-review ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang kasalukuyang minimum wage rates ng mga manggagawang Pilipino.

Ayon sa pangulo, batid niya na may pangangailangan na alamin kung akma pa rin ba ito sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo na nakakaapekto na sa sektor ng paggawa.

Sa ngayon, nasa P610 ang arawang sahod ng mga minimum wage earners sa National Capital Region (NCR), na pinakamataas na sa buong bansa.

Hiniling rin ni Pangulong Marcos sa national wages and productivity commission na suriing mabuti ang kanilang patakaran ukol sa wage review.

Tags: ,