PBBM, pinamamadali ang pamimigay ng housing units sa Yolanda survivors

by Radyo La Verdad | November 9, 2023 (Thursday) | 6976

METRO MANILA – Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang mga kinauukulang ahensya na patuloy na tutukan ang tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa Yolanda survivors.

Kabilang na rito ang housing units o pabahay sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda.

Nagbigay ng direktiba kahapon ang pangulo sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at National Housing Authority (NHA) na palakasin ang pagkakaloob ng mga yunit ng pabahay.

Sinabi rin ng punong ehekutibo na ang trabaho ay hindi pa tapos, lalo na’t marami pa ring mga biktima ng Yolanda ang naghihintay ng tulong mula sa gobyerno.

Bilang bahagi pa ng paggunita sa 10th anniversary ng Super Typhoon Yolanda, dinaluhan ng pangulo ang ‘2023 Handa Pilipinas Visayas Leg Opening Ceremony.’

Isa itong taunang exposition ng mga inobasyon sa Disaster Risk Reduction and Management.

Tags: , , ,