METRO MANILA – Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na uunlad ang sektor ng agrikultura at magiging “Leading Agri Resource Hub” hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong mundo.
Upang ito ay maging posible, ayon sa pangulo na kalihim rin ng Department of Agriculture (DA), ang pamahalaan ay naglaan na ng tulong sa agri sector tulad ng pagbibigay ng mga binhi, fertilizers, machinery equipment, fingerlings at livestock.
Pinalawig rin aniya ang irrigation program, nagtatag ng kadiwa outlets, naglagay ng food logistic hubs at agri trading centers upang matulungan ang mga magsasaka sa kanilang mga produkto.
“With our energies and resources combined, I am confident that we will not only achieve our goal of feeding the Filipino people, but also achieve our dream of making the Philippines a Leading Agricultural Resource Hub in the region and the world.”ani Pres. Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Agricultire Undersecretary Kristine Evangelista, mahalaga ang mga tulong na ito upang mapalakas ang kapasidad ng mga magsasaka.
Kaugnay nito,tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. ang suporta ng kaniyang administrasyon sa agri sector ukol sa pagpapaunlad nito.
“Now that we are beginning to see the shape of the new normal, I assure you that this administration is one with you in fulfilling our goals and targets for the agricultural sector. “ani Pres. Ferdinand Marcos Jr.
Nagtungo rin si PBBM sa Calamba City Laguna kahapon (October 6) upang saksihan ang contract signing ng south commuter railway project.
Ang 56 kilometers railway project na ito sa pagitan ng Manila at Laguna ay layong paikliin ang biyahe mula 3 oras sa 1 oras na lamang. Ito ay kayang mag-accomodate ng 340,000 passengers kada araw.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., ito ang pinakamalaking ASEAN Development Bank Infrastructure-funded project sa Asya.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: agriculture, PBBM