METRO MANILA – Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangan pang pataasin ang produksyon ng agricultural sector para bumaba ng tuloy-tuloy ang inflation rate sa Pilipinas.
Ayon kay PBBM, sisiguraduhin nyang mapo-protektahan ng pamahalaan ang purchasing power ng mga Pilipino upang tumugon sa kanilang pangangailangan.
Nangako rin ang pangulo na minomonitor niyang maigi ang inflation rate sa bansa upang matiyak na mananatiling abot kaya ang presyo ng mga bilihin ang maresolba ang kahirapan.
Tags: Agri Products, PBBM