PBBM, pabor na alisin ang public health emergency dahil sa COVID-19 – DOH

by Radyo La Verdad | July 7, 2023 (Friday) | 22171

METRO MANILA – Nakatakdang maglabas ng kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Junior upang pormal na bawiin ang State of Public Health Emergency sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, hinihintay na lang ang resolusyon na manggagaling sa Inter-Agency Task force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

March 8, 2020 nang ideklara ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang State of Public Health Emergency.

Tags: , , ,