Dumating na kahapon (Nov. 16) si President Ferdinand Marcos, Jr. sa Bangkok, Thailand para sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation Economic Leaders’ Meeting.
Pero bago pa man mangibang bansa ang Pangulo, mananawagan siya sa mga kasapi ng APEC na bigyang pansin ang mga isyu partikular na ang pagresponde sa nangyayaring climate change at ang pagtugon sa seguridad sa pagkain at enerhiya.
Tinanggap ang Pangulo, kasama si first lady Liza Marcos at mga opisyal ng gobyerno, ni Thailand Deputy Prime Minister Wissanu Krea-Ngam, Philippine Ambassador to Thailand Milicent Cruz Paredes, Defense Attaché Colonel Coderick Garcia, at iba pang opisyal mula sa Philippine Embassy at Royal Thai government.
Ligtas at maayos ang naging biyahe ni PBBM sa tulong na rin ng mga fighter jet na nag-escort sa flight pr001, lulan ang President
Allan Manansala| UNTV News
Tags: APEC, Pang. Ferdinand Marcos Jr.