PBBM, naniniwalang nagbukas ng oportunidad sa Pilipinas ang World Economic Forum

by Radyo La Verdad | January 23, 2023 (Monday) | 5729

METRO MANILA – Iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang naging bunga ng kaniyang partisipasyon sa World Economic Forum (WEF) sa Davos Switzerland.

Ayon sa pangulo, nagkaroon ito ng benepisyo sa kalakalan at pamumuhunan.

Ilan sa mga nakapulong ni Pangulong Marcos Junior ang executives ng mga kumpanya na DP World, Glencore at Morgan Stanley.

Ayon pa sa pangulo, unique o may malaking pagkakaiba ang WEF sa ibang mga international forum.

Nakapulong ni PBBM sa WEF ang maraming lider at eksperto sa gobyerno, pagnenegosyo, civic organization at academe.

Una ng sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ang mga investment pledges na nakuha ng pangulo ay mapapakinabangan kahit matapos na ang kanyang termino.

Samantala sa isang interview, sinabi ng pangulo na ibinilang ng economic leaders sa WEF ang Pilipinas sa VIP club.

Ito ay listahan ng best- performing economies sa Southeast Asian Countries.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: , ,