PBBM, naniniwalang di makaaapekto ang disbarment kay Sec. Gadon – ES Bersamin

by Radyo La Verdad | June 29, 2023 (Thursday) | 1391

METRO MANILA – Mananatili sa kanyang trabaho si Secretary Larry Gadon bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation sa kabila ng pagtatanggal ng kanyang lisensya bilang abogado o disbarment nitong June 28.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, batid ng Malakanyang ang kasong kinakaharap ni Secretary Gadon sa Korte Suprema.

Ngunit naniniwala aniya si Pangulong Ferdinand Marcos Junior na hindi naman maka-aapekto sa kaniyang trabaho bilang Presidential Adviser ang estado niya sa pagka-abogado.

Ito ay bagay aniya na personal na dapat harapin ni Gadon.

Dahil dito, ayon kay ES Bersamin, mananatili bilang Presidential Adviser si Secretary Gadon dahil maraming mga bagay ang dapat magawa sa anti-poverty programs ng pangulo.

Naniniwala rin aniya si PBBM na magagawa ng maayos ni Gadon ang kaniyang trabaho.

Tags: ,