PBBM, nakauwi na ng Pilipinas matapos dumalo sa APEC Summit sa Thailand

by Radyo La Verdad | November 21, 2022 (Monday) | 18165

METRO MANILA – Nakabalik na sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa dinaluhang pagtitipon kasama ang iba pang world leaders sa ginanap na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr, marami sa mga isyu na kinakaharap ngayon ng Pilipinas ay kapareho rin ng problema ng ibang bansa.

Kagaya na lang ng problema sa climate change, supply chains, food supply, digitalization at women empowerment.

Nagkaroon rin ng ilang bilateral meetings si PBBM kung saan nagkaroon siya ng mabungang pakikipag-usap kay French President Emmanuel Macron at Canadian Prime Minister Justin Trudeau

Samantala, magkakaroon na ng Philippine Overseas Labor Office sa Thailand.

Ayon sa pangulo, makakatulong ito para maprotektahan ang karapatan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Thailand.

Sa pamamagitan aniya ng bagong labor office ay magiging madali na sa mga kababayan natin sa Thailand na maiparating ang kanilang concern na may kinalaman sa kanilang hanapbuhay.

Ayon sa pinakahuling datos, mayroong 30,000 mga Pinoy sa Thailand na karamihan ay English teacher o nagtatrabaho sa hospitality industry.

(Kath Dumaraso | UNTV News)


Tags: , , ,