PBBM, nais ang mas epektibong pamamahagi ng tulong sa mga apektado ng bagyo

by Radyo La Verdad | November 2, 2022 (Wednesday) | 3013

METRO MANILA – Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maisama na ang pagbibigay ng mga gamot kapag may mga relief operation ang pamahalaan sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Kabilang na ang mga nangangailangan ng maintenance medicines.

Agad naman umano itong tatalakayin ng mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nais rin ng pangulo na mas mapabilis ang pamamahagi ng relief goods.

Ibinahagi ni PBBM ang kaniyang naging karanasan sa kaniyang pagpunta sa yolanda affected areas noong 2013 kung saan napansin niya na kinakailangan pa ng ticket upang makakuha ng relief goods sa isang barangay.

“Pinuntahan ko ang barangay captain bakit may ticket, sabi niya baka magdoble, e ano kung magdoble, bigay niyo na lahat, just give everything, yayaman ba yung tao na merong nakadoble siya na food pack,so huwag na nating masyadong intindihin yung Bureaucracy bastat paratingin natin yung relief alam mong naghihingalo ang tao life and death na  sa kanila ito e so huwag na tayong magintay na may ticket” ani Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Ilan lamang ito sa mga tinalakay ng pangulo sa situation briefing sa Maguindanao.

Sa naturang briefing  nagbigay ng ulat ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim in Mindanao (BARMM) officials sa pinsalang idinulot ng bagyong paeng maging ang kanilang mga ginawang mga  hakbang.

Sa ulat ng Ministry of Interior and Local Government ng BARMM, mahigit kalahating milyong indibidwal o 217, 719 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo. 52 ang nasawi at 13 ang nawawala pa. Marami ring tulay ang nasira ng bagyo sa BARMM.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,