PBBM, magtatalaga ng bagong cabinet members sa mga natalong kandidato noong 2022 election

by Radyo La Verdad | May 2, 2023 (Tuesday) | 4703

METRO MANILA – Balak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtatalaga ng karagdagang cabinet members mula sa mga politikong natalo noong 2022 elections kasunod ng pagtatapos ng one-year ban.

Nais ng pangulo na palakasin ang gabinete sa pamamagitan ng pagdaragdag ng miyembro kasabay ng pagsisimula ng ikalawang taon ng kaniyang termino sa pagkapangulo.

“Marami namang magaling na hindi nanalo sa eleksyon na gustong tumulong. So we will certainly look into that in different positions.” ani Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang mga natalong kandidato ay hindi pinapayagang humawak ng anomang posisyon sa pamahalaan isang taon pagkatapos ng halalan.

Samantala, hindi naman pinangalanan ni PBBM ang mga potential appointee dahil gusto niya munang makausap ang mga ito.

“They should not hear it naman from the press. They should hear it from me. Kami muna mag-usap.” ani Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)

Tags: ,