PBBM, ipinangakong tutugunan ang kahirapan at kagutuman sa lipunan

by Radyo La Verdad | June 13, 2023 (Tuesday) | 2580

METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na tutugunan ng kaniyang administrasyon ang mga problema ng kagutuman at kahirapan sa pagdiriwang ng ika-125 na anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas.

Ayon kay Pangulong Marcos Junior, aayusin ng pamahalaan ang mga polisiya upang maalis ang mga kinakaharap na problema ng Pilipino.

Hinamon rin ng punong ehekutibo ang bawat mamamayan na tanggalin ang mga  naturang suliranin na humahadlang sa pag-unlad ng isang indibidwal.

Binigyang-diin  ng pangulo na hindi dapat maging sunud-sunuran ang bansa sa anumang impluwensya sa labas ng Pilipinas.

Pinangunahan ng pangulo, First Lady Liza Araneta Marcos at 3 nilang anak ang pagtataas ng watawat sa Luneta park bilang bahagi ng Independence Day Celebration. Nag-alay rin ng bulaklak si Pangulong Marcos sa bantayog ng bayaning si Doktor Jose Rizal.

Tags: ,