PBBM, inaasahang mag-stabilize ang presyo ng bigas sa merkado dahil sa anihan

by Radyo La Verdad | August 21, 2023 (Monday) | 1351

METRO MANILA – Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Junior na mag-stabilize na at wala ng mangyayaring pagtaas sa presyo ng bigas sa merkado.

Ayon kay PBBM, posibleng lumaki na ang suplay at reserba ng bigas sa bansa dahil papasok na panahon ng anihan ng palay sa ilang probinsya.

Inihayag ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na makakapag-produce ng 900,000 metric tons ng bigas sa pagsisimula ng anihan ng palay sa Nueva Ecija, Isabela at North Cotabato.

Mangyayari ang bulto ng anihan sa Setyembre hanggang Oktubre na inaasahang magbibigay ng tinatayang aabot sa mahigit 11 million metric tons sa second semester ng rice production .

Nangako naman ang pangulo na  babantayan niyang mabuti ang suplay at galaw ng presyo ng palay sa bansa.

Tags: ,