PBBM, ikinatuwa ang pagbagal ng inflation rate sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | June 7, 2023 (Wednesday) | 7793

METRO MANILA – Masayang ibinalita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tuloy-tuloy na pagbagal ng inflation rate sa Pilipinas.

Ayon sa pangulo, mahalaga ito para sa bansa lalo na kung paguusapan ang estado ng ekonomiya.

Binigyang-diin ni PBBM na indikasyon lang ito na tama ang ginagawang hakbang ng gobyerno upang maiangat ang ekonomiya sa bansa.

Ilang problema naman sa food supply chain ang tututukan ng pamahalaan upang patuloy na bumaba ang inflation rate.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, kailangang masolusyunan kung papaano makakarating ang mga inaning gulay o prutas ng mga magsasaka papunta sa mga lugar na higit na nangangailangan.

Tags: , ,