PBBM, hinimok ang LGUs na maghanda sa posibleng epekto ng tag-ulan dulot ng nalalapit na La Niña

by Radyo La Verdad | May 10, 2024 (Friday) | 3383

METRO MANILA – Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Local Government Unit (LGU) sa bansa na maghanda na sa posibleng epekto ng tag-ulan dulot ng nalalapit na pag-iral ng La niña phenomenon.

Sa kaniyang pagbisita sa Zamboanga Peninsula kahapon May 9, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na posibleng makaranas ang bansa ng matinding pag-ulan gaya ng nangyari ngayong El niño kung saan matinding init naman ang tiniis ng mga kababayan.

Dahil dito, nanawagan si PBBM sa mga local officials sa bansa na maging handa sa lahat ng oras para maibigay ang pangangailangan ng mga nasasakupan.

Tags: