PBBM, hinikayat ang mga ahensya ng pamahalaan na suportahan ang NCPP

by Radyo La Verdad | May 8, 2023 (Monday) | 5427

METRO MANILA – Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang Memorandum Circular No. 19 na hinihikayat ang lahat ng ahensya ng pamahalaan at mga Local Government Unit (LGU) na suportahan ang 2023 National Crime Prevention Program (NCPP).

Sa ilalim ng Memorandum Circular, ang direktiba ay naaayon sa adapsyon ng “whole-of-government” approach sa pagtugon sa kriminalidad at pagtiyak ng kapayapaan at seguridad sa bansa.

Pangungunahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagpapatupad ng implementasyon ng NCPP 2023 na layong bumuo ng mga estratehiya upang tiyakin ang kapayapaan at seguridad ng bansa sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.

Binuo ng NAPOLCOM ang NCPP sa pamamagitan ng Technical Committee on Crime Prevention and Criminal Justice nito na isang inter-disciplinary body na binubuo ng mga kilalang eksperto mula sa mga ahensya ng gobyerno at non-government organization na may kinalaman sa criminal justice system.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,