METRO MANILA – Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa ideya ng agarang reversal o pagbabalik sa lumang school calendar sa gitna ng nararanasang matinding init ng panahon.
Sa panayam sa pangulo, sinabi nito na ang climate change ang dahilan ng pagbabago sa klima.
Kaya naman ginagawa na aniya ng pamahalaan ang lahat ng mga hakbang upang maibalik sa dati ang schedule ng mga estudyante.
Nauna nang sinabi ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na nagsagawa na sila ng consultation tungkol sa planong pagbabalik ng dating school calendar.
Gayunman ipinaliwanag ng bise president, na hindi ito maaaring madaliin upang hindi makompromiso ang schedule ng pahinga ng mga guro at mga mag-aaral.
Tags: DepEd, PBBM, School Calendar