Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga opisyal ng Department of Energy at iba pang energy-related agencies sa kanyang administrasyon upang ilatag ang mga plano ng administrasyon para tiyakin ang sapat na suplay ng enerhiya sa buong bansa.
Ayon sa Office of the Press Secretary, tinalakay din sa pulong ang mga prayoridad na immediate and medium-term plans.
Kasama na dito ang Philippine Energy Development Plan bilang suporta sa adhikain ng pamahalaan na makatuklas ng mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya at maka-adapt sa climate change.
Tags: Department of Energy, Pang. Marcos, PBBM