METRO MANILA – Isinasapinal na ng Malakanyang ang listahan ng mga lider ng bansa na makikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders Meeting sa Bangkok Thailand mula November 16-19.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Eric Tamayo, nasa 6 na Heads of State ang maaaring makipagpulong sa pangulo.
Kabilang ang kapakanan ng mga maliliit na negosyo, Filipino seafarers at usapin sa food at energy security ang prayoridad na isusulong ng pangulo sa APEC Summit.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Eric Tamayo, tatalakayin sa APEC ang mga hamon sa pagbangon ng mga bansa mula sa pandemya dulot ng COVID-19.
Bukod pa rito haharap rin ang pangulo sa Filipino community sa Thailand. Ito ang kauna unang pagdalo ni PBBM sa APEC Leaders Summit.
Kauna-una rin ito na in-person meeting ng 21-member Regional Economic Bloc mula nang tumama ang pandemya noong taong 2020.
(Nel Maribojoc | UNTV News)