Pay per view buy ng laban ni Pacman at Mayweather, pinakamataas sa kasaysayan ng boxing

by dennis | May 13, 2015 (Wednesday) | 1870
Photo credit: Reuters/USA Today Sports
Photo credit: Reuters/USA Today Sports

Opisyal nang idineklara bilang pinakamalaking pay per view buy sa kasaysayan ng boxing ang laban sa pagitan ni Floyd Mayweather Jr at Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Batay sa datos ng Showtime Network at HBO, nagtala ng 4.4 million pay per view buys ang naturang laban at tinatayang kumita ito ng $400 million.

Sinira nito ang record na naitala noong 2007 kung saan naglaban si Mayweather at Oscar dela Hoya. Nagtala ito ng 2.48 million per per view buys at kumita ng $152 million. Halos doble ang itinaas ng record na itinala ng tinaguriang “Fight of the Century”.

Ayon pa sa mga organizer ng laban, maaari pang tumaas sa $500 million ang kita ng Pacman-Mayweather bout kung isasama pa rito ang kinita sa MGM Grand Arena, international television distribution, sponsorship, closed circuit at kita sa merchandise.

Tags: , , , ,